Ibinalik na ng senado ang P50 – B na pondo na tinanggal para sa North-South Commuter Railway Project at Metro Manila Subway Project.
Ayon kay Senator JV Ejercito, alinsunod ito sa desisyon ng panukalang amyenda sa P 5.2-T National Budget para sa 2023 na aprobado na sa huling pagbasa ng senado.
Ito rin anya ang magiging kaginhawaan ng mga commuter kundi pati na rin ang mga driver at dahilan na rin na lumago ang ekonomiya sa bansa.
Pinondohan sa halagang P 448.47 – B ang subway project mula sa inutang sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Inaasahang makumpleto ang nasabing proyekto sa 2028 at maaring mag-lulan ito ng higit 519,000 na pasahero kada araw. – sa panunulat ni Jenn Patrolla.