Planong maglaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng P50-B para sa pagpapabuti ng digital infrastructure ng bansa sa susunod na tatlong taon.
Ayon kay DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic, kanila nang inihiling ang naturang pondo kung saan, sakaling maibigay ito, ang malaking bahagi ng pondo ay itutuon sa national fiber backbone at accelerated fiber build sa mga rehiyon at lalawigan.
Umaasa naman ang ahensya na mapagbibigay ng pamahalaan ang kanilang hiling upang mapaghandaan ang paparating na eleksiyon sa Mayo a-9. — sa panulat ni Angelica Doctolero