Halos P50 bilyong piso ang nalulugi sa gobyerno kada taon matapos dayain ng operators ng STL o Small Town Lottery.
Ito ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ay sa pamamagitan nang hindi pagdedeklara ng actual sales ng STL operators taun-taon.
Kinumpirma ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi ang nasabing findings ng NBI matapos niyang hilingin dito ang pag-imbestiga sa STL operators kaugnay sa report na ginagamit ng ilan sa mga ito ang kanilang lisensya para sa jueteng operations at hindi pag deklara ng aktuwal na kita sa PCSO.
Ayon pa kay Maliksi, pumapalo sa P100 billion pesos kada taon ang inaasahang kita sa lahat ng illegal games kabilang ang illegal declaration mula sa STL base na rin sa gaming product development and marketing sector ng kanilang tanggapan.
By Judith Larino