Binigyang linaw ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kontrobersya hinggil sa pinagkagastusan sa paghahanda sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Sa pagharap mismo sa Senado bilang chair ng Philippine Southeast Asian Games Organizaing Committee (SEAGOC), sinabi ni Cayetano na una sa lahat, si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-atas sa komite na hawakan ang preparasyon sa SEA games.
Batay kasi sa polisiya ng SEA games, dapat ang olympic committee ng host nation o isang private foundation ang mangunguna sa preparasyon.
Iginiit naman ni Cayetano na hindi luho ang “cauldron” o yung kalderong gagamitin para torch lighting na nagkakahalaga ng mahigit P50-milyon.
Aniya higit na malaki ang pondong inilalaan ng ibang bansa para sa naturang kaldero dahil ito umano kasi ay nagsisilbing isang simbolo at monumento.