Aabot ng 50 milyong piso ang halaga ng smuggled agricultural goods na nakumpiska ng mga opisyal ng Department of Agriculture at Bureau of Customs kahapon.
Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bodega na may dalawang cold storages sa Brgy. Bangkulasi sa Navotas City, nasabat dito ang 325 tons ng puting sibuyas; at kahong-kahon ng carrots; kamatis at mga garapon ng Chinese kimchi.
Binigyan-diin naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na walang kasiguraduhan kung ligtas kainin ang mga nasabing produkto dahil wala itong mga kaukulang papeles.
Pinaniniwalaan namang nagmula sa china, ang mga nasamsam na agri products.
Samantala, tukoy na ang consignee, subalit masusi pang iniimbestigahan kung sino ang may-ari ng bodega.