Makakukuha na ng 50 peso rebate ang mahigit 35,000 costumer ng Maynilad na naapektuhan ng bagyong Paeng sa Disyembre.
Ayon sa Maynilad, naglaan na sila ng 1.7 million pesos para sa Bill Rebate Assistance Program na kumokonsumo ng 2-cubic meter sa Muntinlupa at Pasay cities, maging sa Bacoor, Imus, Kawit at Noveleta, sa Cavite.
Inihayag ni Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez na makatutulong ang refund sa recovery ng mga naapektuhan ng bagyo, lalo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Samantala, pinuri naman ng Metropolitan Water Works and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ang naging hakbang ng nasabing water concessionaire. —sa panulat ni Jenn Patrolla