Epektibo ngayong araw, Hunyo a-27 ang P50 na umento sa sahod ng mahigit 3M manggagawa sa pribadong sektor sa Eastern Visayas o Region 8.
Ayon kay Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Chairman Henry John Jalbuena, ipatutupad ngayong Lunes ang dagdag sa sweldo sa dalawang tranches kung saan, ibibigay sa unang anim na buwan ng implementasyon ang P25 na dagdag sa sahod habang karagdagang P25 naman matapos ang pitong buwan o sa January 2, 2023.
Matatandaang noong Hunyo a-6 nilagdaan ng Regional Wage Board ang bagong wage order na inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission noong Hunyo a-10.