Tiwala si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na maibibigay na ang subsidiya sa mga mahihirap na pamilya bago ang eleksyon 2022.
Ayon kay Salceda, nakahanap na ang ehekutibo ng pagkukunan ng pondo para sa nasabing ayuda.
Inaasahang magaganap na ito sa lalong madaling panahon kung saan ipapamahagi ang nasa 500 pisong tulong.
Matatandaang una na ring hiniling si Salceda sa Commission on Elections (COMELEC) na i-exempt ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa election spending ban. – sa panulat ni Abby Malanday