Aabot sa P500 billion ang halaga ng prospective investment ang maiiwan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpasok ng bagong administrasyon.
Ito ang kinumpirma ni Trade Secretary Ramon Lopez kung saan, nakatakdang i-turn over ng ahensya ang naturang investment na mararamdaman sa susunod na 18 buwan.
Ayon kay Lopez, ang mga investment ng Pamahalaan sa ilalim ng Administrasyong Duterte ay nagmula sa sektor ng manufacturing, shipbuilding, agri-business, digital infrastructure, renewable energy, information technology, business process management at logistics.
Sinabi ni Lopez na naengganyo ang mga investor dahil narin sa sumisiglang ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, market size, at competent workforce.