Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga ordinansang nagbibigay ng P500 buwanang tulong pinansyal sa mga piling mamamayan ng lungsod.
Makikinabang sa mga ordinansang ito ang mga estudyanteng nasa grade 12 sa mga pampublikong paaralan, senior citizens, person with disabilities (PWDs) at mga solo parent.
Kabilang sa qualifications sa pagkuha ng allowance sa grade 12 students sa mga pampublikong paaralan ay kailangang naka-rehistro sa Maynila at kung hindi ay kailangang residente ng lungsod ang magulang; sa senior citizens, dapat ay residente ng Maynila, 60-taong gulang pataas at kasama sa master list ng Manila office senior citizens affairs; sa PWDs at solo parent, dapat ay nakarehistro sa lungsod at kasama sa listahan ng Manila department of social welfare.
Ang mga nasabing ordinansa ay unang pagkakataong naipasa ng Manila City Council sa loob ng tatlong linggo.