Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang initial allocation na 500 milyong piso para sa rehabilitasyon ng agriculture at fisheries sub-sector sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nina.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ang 300 milyong pisong pondo ay magmumula sa Office of the President at ang 200 milyong piso ay mula naman sa Department of Agriculture o DA.
Aabot sa 55 milyong piso ang gugugulin para sa rehabilitasyon ng abaca industry sa Catanduanes.
Sa pinakahuling datos ng DA, umaabot na sa 4 bilyong piso ang pinsala sa agrikultura ng bagyong Nina.
By: Meann Tanbio