Sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ng Department of Agriculture (DA), papayagan nang makautang ng P25,000 ang bawat 20,000 libong magsasaka at mangingisda na nasa ilalim ng state of calamity.
Nabatid na walang ilalagay na interes at wala ring collateral ang naturang loan at magiging magaan din ang payment period nito dahil babayaran ang utang sa loob ng tatlong taon.
Bukod sa nasabing pautang, magkakaloob din ng P2.9 billion na halaga ng ayuda ang mga magsasaka, kabilang ang P1 billion na halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar; P828 million mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) bilang bayad pinsala sa mga apektadong magsasaka.
Habang makakatanggap din ang mga magsasaka at mangingisda ng P314 million halaga ng rice seeds, P129 million halaga ng corn seeds, at P57 million halaga ng assorted vegetables.
Samantala, magkakaloob naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P47 million na halaga ng tulong para sa mga apektadong mangingisda.