Aabot sa P500M ang kinita ng Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.
Ayon kay MMDA at MMFF Overall Chairman, Atty. Romando Artes, kinita nila ang nasabing halaga sa walong pelikulang kalahok.
Kabilang sa mga pelikulang pumatok sa takilya ay ang Deleter, Family Matters, Labyu with an Accent at Partners in Crime.
Samantala, inanunsyo rin ni Artes na extended ang pagpalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF hanggang sa Ene. 13, 2022.