Target ng Department of Finance (DOF) na hugutin sa mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) ang pondo para sa mas malaking cash aid na ipamamahagi sa mga mahirap na pamilya.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa 500 mula sa 200 pesos ang ayuda para sa mga pamilyang apektado ng walang prenong oil price hike.
Magmumula anya ang additional funding sa Value-Added Tax collections at additional dividends mula sa mga GOCC.
Hindi pa idinetalye ng kalihim ang magiging kabuuang halaga ng ipamumudmod na ayuda at kung kailan ito magsisimula.