Matatanggap na ng mga operator at tsuper ng jeepney ang fuel subsidy ng gobyerno ngayong araw.
Ito ay matapos na lagdaan ng Department of Transportation o DOTr, Budget and Management, Energy, Finance , Land Transportation Franchising and Regulatory Board at LandBank of the Philippines ang joint memorandum circular number 1 series of 2018 o ang general guidelines para sa implementasyon ng Pantawid Pasada Program.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nasa sampung libong (10,000) fuel cards ang target nilang maipamahagi.
Bibigyan ng limanlibong piso (P5,000) ang isang tsuper o operator para sa anim na buwan.
Layon nitong ibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at dagdag na buwis mula sa ipinatupad na TRAIN Law.
—-