Inaprubahan na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 500 milyong pisong emergency assistance para sa mahigit 11,000 distressed Overseas Filipino Workers o OFWs sa Gitnang Silangan.
Ang tulong na ito ng DOLE para sa mga OFWs at sa kanilang mga pamilya at beneficiaries sa Pilipinas ay mula sa emergency assistance fund ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, kabilang sa mga mabibigyan ng emergency assistance ay ang mga ‘distressed OFWs’ sa Jeddah at Riyadh sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Bello na 20,000 pesos ang makukuha ng bawat ‘stranded’ na OFW habang 6,000 pesos na cash assistance naman ang matatanggap ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AFP