Mamamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng sabsidiya ng gasolina sa mga magsasaka at mangingisda ngayong Marso.
Ayon kay Secretary William Dar upang mapagaan ang epekto ng kamakailang serye ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Dagdag pa ng Kalihim, nakahanda na ang 500 million pesos budget para sa fuel subsidy at gagawa ng isang memorandum circular ang DA, Department of Budget and Management (DBM), at Department of Energy (DOE) upang itakda ang mga guidelines para sa pamamahagi ng tulong. – sa panulat ni Mara Valle