Nakahanda na ang P500M halaga ng pautang mula sa Agricultural Credit Policy Council ng Department of Agriculture (DA) para sa pagpapatupad ng survival and recovery assistance program o sure para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
Sa ilalim ng sure assistance program, makakautang ng (P25K) ang mga magsasaka at mangingisda para makapagsimulang muli na nakatira sa mga lugar na naisailalim sa “state of calamity”.
Samantala, sinabi ng DA, na bukod sa walang interes at walang collateral ang loan ay magaan ang payment period nito dahil babayaran ang utang sa loob ng tatlong taon. —sa panulat ni Kim Gomez