Hinimok ng Filipino Nurses United (FNU) ang bagong administrasyon na taasan ang entry salary ng mga nurses sa 50,000 kada buwan.
Ayon kay FNU President Maristela Abenojar, ipiprisenta nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10-point nurses’ agenda kung saan top most agenda nito ang pagtataas ng sahod ng mga nurses na nasa pampublilko at pribadong ospital.
Aniya, nasa 8,000 to 10,000 kada buwan lamang kasi ang sahod ng mga nasa pribadong hospital habang 35,000 kada buwan ang sahod ng pampublikong ospital sa ilalim ng salary grade 15.
Nagbabala naman si Abenojar na posibleng bumagsak ang healthcare system ng bansa dahil sa “exodus” ng mga nurse para sa trabaho abroad.