Nagkakahalagang 50,000 halaga ng mga donasyon ang tinangay sa loob ng isang simbahan sa Pagsanjan, Laguna.
Batay sa ulat, nadiskubre ang insidente sabado ng umaga, kahapon inakyat ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang bakod sa likod ng simbahan.
Sinira ng mga suspek ang pintuan at mga grills sa Parochial Office kung saan nakuha ng mga ito ang pera at cellphone at saka pinasok ang altar ng simbahan at winasak ang tabernakulo at tatlong donation boxes at tinangay ang laman nito.
Tinitignan pa ng mga awtoridad ang kuha ng cctv sa loob ng simbahan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. - sa panulat ni Maze Aliño-dayondayon