Nakalatag na ang planong umento sa minimum na sahod ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na papalo sa P50,000.
Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, running mate ni President-elect Rodrigo Duterte noong May 9 elections, sakop ng itinutulak na P50,000 monthly salary ang mga pulis na may ranggong police officer 1 habang aabot naman sa P100,000 ang sweldo ng heneral.
Maglalaan umano ang pamahalaan ng P50 bilyong piso para sa salary increase habang karagdagang 20 bilyong piso naman para sa pagtataas sa pensyon ng mga miyembro ng pambansang pulisya.
Paliwanag ni Cayetano, maaaring kunin ang naturang pondo mula sa nalalabing 150 billion pesos sa 2016 budget.
Nire-review na umano nina duterte at incoming PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang proposal at nakatakda na itong isumite kay incoming Budget Secretary Benjamin Diokno.
By Jelbert Perdez