Tinatayang 10 kilo ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga miyembro ng Manila Police District o MPD sa Pandacan, Maynila.
Ayon kay MPD Director Police Chief Supt. Rolando Nana, nadiskubre ang umano’y shabu sa loob ng isang Honda CRV na may plakang RFC 205 sa Zamora Interlink.
Sinasabing nagkakahalaga ng P50 milyong piso ang nabanggit na iligal na droga.
Wala namang nahuling indibidwal ang pulisya sa naturang sasakyan.
By Jelbert Perdez | Jopel Pelenio (Patrol 17)