Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapagawa ng P50M halaga ng malaking kaldero na gagamitin para sa torch lighting sa SEA Games.
Sa budget hearing para sa panukalang budget ng Bases Conversion Development Authority (BCDA), binigyang diin ni Drilon na maaari nang makapagpagawa ng 50 silid aralan sa pondong ginamit para sa kaldero na minsan lang gagamitin.
Ayon kay Drilon, hindi na pinag-uusapan kung overpriced ang kaldero kundi kung tama ba ang mga prayoridad ng pamahalaan.