Magbibigay ang Canada ng 12 million canadian dollars o 519 million pesos sa Pilipinas upang pondohan ang climate change activities at isulong ang economic growth sa mga conflict area sa Mindanao.
Inanunsyo ito ni Canadian Trade Minister Mary Ng sa kanyang official visit sa Maynila.
Ayon kay Ng, gagamitin ang pondo sa tatlong proyekto na magpapalakas sa climate finance ng bansa, suportahan ang women’s empowerment at buhayin ang mga komunidad na apektado ng armed conflict sa Mindanao.
Sa idinaos na aktibidad ng Minister of International Trade, Export Promotion, Small Business and Economic Development, binigyang-diin ni ng ang interes ng Canada na pagtibayin ang economic ties sa Pilipinas.
Umaasa rin anya ang Canada na tulungan ang Pilipinas na makapagtayo ng mga kalsada, tulay at ospital habang lumilikha ng lokal na hanapbuhay.