Target ng Department of Energy (DOE) na tapusin sa Oktubre ang P52 billion inter-connection project na mag-uugnay sa Visayas at Mindanao grids.
Ayon kay Energy secretary Raphael Lotilla, noong 2020 pa nila orihinal na target tapusin ang proyekto pero napurnada ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Hanggang nitong June 2022, halos 65% nang kumpleto ang proyekto.
Kabilang sa naisaayos na ang Santander at Dapitan Cable Terminal Stations, 350 Kilovolt submarine cable, at ang Lala-Aurora 138kv transmission line.
Makatutulong ang interconnection project upang maging sapat ang suplay ng kuryente sa dalawang kapuluan.