Dalawa na namang mananaya ang napabilang sa listahan ng mga milyonaryo matapos mapanalunan ang mahigit P500-M jackpot sa 6/58 Ultra Lotto.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng dalawang bettors ang winning combination na 01-23-15-03-08-05.
Paghahatian ng dalawang winners ang mahigit P521 milyon na papatawan ng 20% tax at maaaring i-claim sa loob ng isang taon mula sa draw date.
Ang isang nanalo ay mula sa Davao City habang taga-Tacloban City naman ang isa pang winner.