Arestado ang dalawang suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan.
Batay sa imbestigasyon ng Northern Police District, nasamsam sa mga hindi pinangalanang itinuturing na high value target ang nasa 54 na milyong piso (P54-M) ng hinihinalang shabu.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho