Hanggang dalawang taon na lamang ang reserbang pondo ng Social Security System (SSS).
Ito ang inihayag ni SSS chief actuary Edgar Cruz sa pagdinig ng house committee on public accounts kung saan nasa P540-B ang halaga ng kanilang reserve fund.
Gayunman sinabi ni Cruz na kaya pa ng ahensya na magbigay ng employment benefits sa mga miyembro ng SSS sakaling madagdagan pa ang mawawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa patuloy na nararanasang pandemya.
Ngunit ayon kay Cruz, hindi magtagal ang kayang i-sustain nito kaya kailangang magpatupad ng reporma para matiyak ang fund life ng ahensya.
Giit ni Cruz, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng ahensya dahil naman aniya tama na kung kailan malapit nang maubos ay saka sila gagawa ng paraan.