Nasabat ang mahigit sa P50-million halaga ng shabu mula sa bagahe ng babaeng Indonesian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Tinatayang 8-kilos ng shabu ang tinangkang ipasok sa bansa ng babaeng Indonesian na dumating sa bansa mula sa Siem Reap, Cambodia.
FLASH: Airport Customs intercepts P54-million worth of shabu from Cambodia, Indonesian Agnes Alexandra arrested | via @raoulesperas pic.twitter.com/PA2ZZCWR2O
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 6, 2019
Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang masuri ang kontrabando. — ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)