Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P55 na dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Region 5.
Ayon sa Department of Labor and Employment, hahatiin sa dalawang tranche ang P55 na umento sa sahod sa rehiyon.
Unang ibibigay ang P35, oras na maging epektibo ang kautusan habang sa December 1, 2022 ipatutupad ang dagdag pang P20.
Dahil sa kautusan, aabot na sa P365 ang minimum wage rate sa Bicol.
Maliban sa wage hike, inaprubahan din ng Wage Board ang 1K hanggang 1, 500 na dagdag sahod ng domestic worker sa rehiyon kaya aabot na sa 4K ang kanilang buwanang sahod.