Nakumpiska ng mga otoridad sa isang lalaki ang aabot sa P55-M halaga ng shabu matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Riverside Phase 12, Barangay 188, Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Tantawi Salic alyas “Tangie”, 35-anyos at residente ng nabanggit na lungsod.
Nakuha mula sa suspek ang walong piraso ng transparent vacuum-sealed plastic sachet na shabu at isang plastic bag na naglalaman ng kabuuang 8,100 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P55, 080, 000.
Nasamsam din ang pitong piraso ng foil wrapper bag, isang blue travel backpack, isang black digital weighing scale, dalawang pirasong P1,000 bill, at boodle money na ginamit sa buy-bust.
Nakakulong ngayon ang suspek sa custodial facility ng Caloocan Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.