Solong nasungkit ng isang mapalad na mananaya mula sa Metro Manila ang mahigit P56.6 million na jackpot prize sa Lotto 6/42 ng PCSO.
Ayon kay Melquiades Robles, vice chairperson at general manager ng PCSO, binola ito nitong Huwebes ng gabi kung saan matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 32 – 23 – 41 – 04 – 25 – 21.
Naiuwi nito ang jackpot prize na kabuuang 56, 654,977.
Para makuha ang premyo, pinayuhan ni Robles ang mananaya na magtungo lang sa kanilang tanggapan sa Pasig City at magdala ng lucky ticket at dalawang IDs.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado, habang ang SuperLotto 6/49 ay binobola naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo.