Aabot sa P58 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Maynila.
Ayon sa mga otoridad, naharang ang naturang kargamento dahil sa kawalan nito ng dokumento na galing umano sa Nigeria at una nang idineklarang “pinatuyong pampalasa.”
Sa pahayag ng BOC, nakatago sa isang puting plastic bowl na isinilid sa kahon ng dried spices ang mga iligal na droga na may timbang na aabot sa 8.575 kilos.
Hawak na ngayon ng PDEA ang nasamsam na iligal na droga habang patuloy pang iniimbestigahan kung sino ang nasa likod ng pagpapadala ng kargamento papasok ng Pilipinas.