P 5,000 multa ang ipapataw sa mga lalabag sa limitasyon para sa mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Mercy Jane Paras-Leynes, itinakda na ng ahensya ang maximum number ng mga nakatayong pasahero sa bawat Public Utility Vehicle (PUV).
Batay sa Memorandum Circular no. 2022-070, papayagan lamang ang mga Class 2 Public Utility Bus (PUBS) at Modern Public Utility Jeepneys (MPUJS) na magkaroon ng standing passengers sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:
- Para sa low entry/ low floor PUBS, labing limang nakatayong pasahero ang papayagan basta’t ito may kahit isang taong pagitan.
- Para sa coach-type PUBS, 10 nakatayong pasahero ang papahintulutan basta’t ito may kahit isang taong pagitan.
- At para sa MPUJS, 5 nakatayong pasahero lamang ang papayagan basta’t ito may kahit isang taong pagitan.
Samantala, sinabi ni Leynes na posible pa rin itong baguhin ng LTFRB depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.