Narekober sa dalawang ‘tulak’ ang mahigit sa P5M na halaga ng shabu at marijuana ng Makati City Police.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Jonnie Domingo, Alyas Onnie, 26- anyos, at si Joshua Ochinang, 23-anyos.
Ayon kay Southern Police District Director, PBGEN Jimili Macaraeg, nagawang makabili ng poseur buyer ng mga pulis sa mga suspek ng isang bloke ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P32,000.
May kabuuang timbang na 2,500 gramo ang nasabat na marijuna na may halagang P300,000; habang nasa 30 grms ang nakumpiskang shabu na may halagang P204,000 at kush na nasa 5.4 grms at may halagang P6,480.00.
Nakakulong na ang dalawang suspek sa Station Custodial Facility ng Makati City at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle