Nakapaglabas na ng P6.2B ang Department of Budget and Management (DBM) bilang pondo sa pamamahagi ng P500 ayuda sa mga low income families.
Partikular itong gagamitin sa targeted cash transfer program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.
Noong Marso, unang iniutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap.
Orihinal itong nasa dalawandaang piso na itinaas pa sa P500 dahil sa pagmahal ng mga bilihin.
Ipapamahagi ang ayuda sa 6M benepisyaryo na makakatulong para unting maibsan ang epekto ng oil price hike at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.