Aabot na sa P6.3 bilyong ang inilabas ng PhilHealth para sa hospital claims sa ilalim ng kanilang debit-credit payment method na nagpapabilis sa reimbursements sa mga ospital.
Ayon kay PhilHealth acting Spokesperson, Dr. Shirley Domingo, 206 na health institutions na ang tumanggap ng disbursements.
Nagbayad din anya sila ng may P231 billion claims para sa COVID-19 at non-COVID-19 cases.
Gayunman, aminado si Domingo na inaasahan na ang delays sa reimbursement ng pondo dahil may ilang health care institutions ang may kulang na mga dokumento.
Binayaran na rin ng philhealth ang P5.5 bilyong utang sa red cross para sa COVID-19 testing. —sa panulat ni Drew Nacino