(To Be Updated)
Humarap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa P6.4 billion shabu shipment mula China ang Chinese businessman na si Richard Tan.
Si Tan na may mga alyas din na Richard Chen, Chen Yu Long at Ken Joo Lung ay ang may-ari ng Hongfei Logistics, ang warehouse sa Valenzuela City kung saan narekober ang 604 kilos ng shabu noong Mayo 26.
Sa pamamagitan ng isang interpreter ay sinabi ni Tan sa pagdinig na ipinaalam sa kanya ng China Customs na may mga lamang droga ang shipment na dinala sa kanyang warehouse.
Ayon kay Tan nakatanggap siya ng tawag mula sa Xiamen Customs noong May 25 at sinabi sa kanya ng head ng inspection department na kinilalang si Mr. Wang Zi Dong na ang shipment ay naglalaman ng droga.
Aniya ang pagkakaalam niya ay mga gamit para sa printing service lamang ang laman ng shipment.
Ipinabatid rin umano ng China Customs na nahuli na ang mga suspek na nasa likod ng illegal shipment.
Idinagdag ni Tan na ang layunin umano ng tawag ng China Customs ay para ipaalam sa mga awtoridad sa Pilipinas at i-check ang laman ng mga kargamento.
–AR / DWIZ 882