Nasabat ng Bureau of Customs ang umaabot sa P6.5 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo sa isang warehouse sa Malabon City.
Ayon sa BOC, ikinasa ang operasyon sa bahagi ng barang tugatog sa kailalim ng kampanya ng Ahensoya laban sa pagpupuslit ng mga pekeng tobacco products sa bansa.
Kabilang sa mga narekober ang 196 na master case ng iba’t ibang brand ng iligal na sigarilyo.
Samantala, nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng boc para matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng mga nakumpiskang produkto gayundin ng sinalakay na warehouse.
Anila, posibleng maharap ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A 10863 o Customs Modernization And Tariff Act at R.A. 8424 o National Internal Revenue of the Philippines.