Nasabat ng awtoridad ang 990 kilogram o nasa 6.7 billion pesos na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Metro Manila kahapon.
Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos, ito ang pinaka-malaking drug haul sa bansa.
Sinabi naman ni Brig. Gen. Narciso Domingo, director ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, isinagawa ang naunang buy-bust operation dakong alas-4:45 ng hapon na nagresulta sa pagkakahuli sa isang Ney Saligumba Atadero at pagkakadiskubre ng 690 kilo at 102 grams ng shabu.
Sa isang follow up operation, nadakip ang isang M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr. ng PDEG, na nahulihan umano ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 13.6 million pesos.
Isinagawa naman ang kasunod na operasyon dakong alas-2:30 ng madaling araw sa paligid ng Quezon bridge sa Quiapo Area.–-mula sa panulat ni Hannah Oledan