Maaari nang gamitin ng mga ahensya ng pamahalaan ang natitirang 6.8 billion pesos na pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) sa taong 2022 para sa response at relief efforts matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), tinaasan ang NDRRMF sa 31 billion pesos ang calamity fund sa ilalim ng 2023 National Budget mula sa kasalukuyang 20 billion pesos.
Mayroon ding 1 billion peso budgetary allocation bilang compensation fund para sa mga biktima ng Marawi Siege sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na maging pro-active pagdating sa disaster response. —sa panulat ni Hannah Oledan