Nakumpiska ng mga otoridad sa tatlong naaresto ang aabot sa P6.8-M halaga ng iligal na droga sa Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon sa Regional Office ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hinuli ang tatlong suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng kilo-kilong shabu.
Dahil dito agad na nagkasa ng entrapment operation ang PDEA-BARMM na inasistahan ng Tawi-Tawi Provincial Police at 12th Marine Battalion of the Philippine Navy.
Nahaharap ngayon sa kasong Prosecution for Violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto. —sa panulat ni Angelica Doctolero