Nasamsam ng mga Anti-Illegal Drug Operatives ang mga sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng
mahigit P6.8 – M
At naaresto ang dalawang lalaki sa isang sting operation sa Barangay Lapasan, Cagayan De Oro
Tinukoy ng pulisya ang 44-anyos at 46-anyos na mga suspek bilang high value individual sa illegal drug trade.
Nakumpiska rin ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan De Oro City Police Office (CDEU-COCPO) sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may mga bala at isang digital weighing scale
Nahaharap naman ang mga suspek sa mga kasong paglabag na may kaugnayan sa droga