Tinangka umanong manipulahin ng Energy Regulatory Commission ERC ang direktiba para sa Meralco na i-refund sa mga consumer nito ang 6.9 billion pesos na sobrang singil sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon sa United Filipino Consumers and Commuters o UFCC, bagaman noong Mayo 2 pa lumabas sa website ng ERC sa pamamagitan ng isang press release ang issue sa refund, kahapon lamang ito kinumpirma ng ahensya.
Inihayag ni UFCC President Rodolfo Javellana na tinanggal ang post nang suspendihin si ERC Chairman Jose Vicente Salazar.
Maaari anyang may nag-utos na i-maniobra ang sitwasyon pabor sa Meralco sa pamamagitan ng pagpapalawig sa panahon ng pagbibigay ng refund na isang taon sa halip na tatlong buwan lamang.
Ipatutupad ang refund sa susunod na billing cycle at maaaring maramdaman sa June billing.
By Drew Nacino