Inihirit na ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalabas ng dagdag na 6 bilyong piso para sa fertilizer subsidy sa mga magsasaka.
Ayon kay DA secretary William Dar, ang nasabing pondo ay para magamit at maidagdag sa wet season farming mula sa kasalukuyang tatlong bilyong piso hanggang siyam na bilyong piso.
Sa kabuaan aniya naglaan ang ahensya ng 20 bilyong piso ngayong taon para ma subsidize ang gastos ng mga pataba.
Samantala, tutukuyin naman ng DA ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng mga pangalang nakalista sa farmer’s registry ng DA.