Maliban sa patuloy na paglobo ng presyo sa produktong petrolyo sa bansa ay pinangangambahan na ring tumaas pa ang presyo ng bigas kada kilo.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Policy and Planning Fermin Adriano, inaasahang tataas ng hanggang sa anim na piso ang kada kilo ng bigas sa pagtatapos ng taon.
Aniya, asahan na talagang makakaramdam din ng pagtaas sa presyo ng bigas kung magtuluy-tuloy pa ang pagsipa ng presyo ng abono at petroloyo sa merkado.
Bunsod nito ay umapela ang DA sa gobyerno na madaliin pa ang pamamahagi ng subsidiya para sa fertilizer, pati na rin ang fuel subsidies para sa mga magsasaka.