Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P6-milyong halaga ng bloke ng cocaine na natagpuang palutang-lutang sa baybayin ng Divilacan, Isabela.
Ayon kay Isabela Police Director Col. Mariano Rodriguez, nakasilid sa itim na plastic na may balot ng packaging tape ang nabanggit na ilegal na droga nang matagpuan ng mga mangingisda.
Agad namang iti-nurn over sa Naval Intelligence And Security Group-Northern Luzon ang natagpuang bloke at saka ibinigay sa PDEA.
Nakumpirma naman itong cocaine batay na rin sa isinagawang pagsusuri ni PDEA Chemist Jomar Concepcion.