Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P6-M halaga ng droga na nakasiksik sa isang rice cooker sa NAIA.
Nabatid na galing sa Malaysia ang package na idineklarang kagamitan sa pagluluto.
May kabuuang timbang na 1,011 grams at nagkakahalaga ng P6, 874, 800 ang narekober na shabu.
Samantala, binigyang diin naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ipagpapatuloy ng ahensiya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya sa war on drugs ng pamahalaan. —sa panulat ni Mara Valle