Naglaan ng P60-M ayuda ang Department of Agriculture (DA) sa mga magbababoy o hog raisers na apektado ng pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Agriculture Sec. William Dar, sinabi nito na maaaring maka-utang ng P30,000 ang bawat hog raiser na maaari namang bayaran sa loob ng hanggang tatlong taon.
Ito aniya ang siyang magagamit ng mga apektadong hog raisers para muling makabangon sa pinsalang idinulot sa kanila ng nasabing sakit.
Bukod pa aniya ito sa mga magbababoy na mawawalan ng kanilang alaga bunsod na rin ng ilulunsad nilang depopulation sa mga ito.
Mga hog growers mas lalo na sa backyard ay pinaigting natin ang bio security measures para hindi na kakalat yung sakit at mayroon tayong ayuda, assistance na 3,000 sa mga baboy na idi-depopulate; papatayin, susunugin at ililibing,” ani Dar
(Oh IZ ! Sa DWIZ interview)