Nagbigay ng karagdagang 1.05 million euros o nasa P60-M ang European Union (EU) para sa mga biktima ng pananalanta ng bagyong Ulysses.
Sinasabing hindi pa kasama rito ang P74.5-M na naunang ipinadala ng EU para sa mga apektado ng super typhoon Rolly dahilan upang pumalo na sa P134-M ang naging donasyon ng unyon sa Pilipinas.
Ang “Ulysses assistance” ay bahagi ng Acute Large Emergency Response Tool (ALERT) ng EU upang matulungan ang mga bakwit na magbalik sa normal ang kanilang buhay.